Hi everyone! We're hard at work trying to keep our community clean, so if you see any spam, please report it here and we'll review ASAP!  Thanks a million!
8,819 Users Online
  • 640,129,772 Downloads
  • 1,696,349 Wallpapers
  • 1,565,068 Members
  • 12,971,712 Votes
  • 5,965,287 Favorites
amypinkglass
amypinkglass
Login to Become a Fan
 
ProfileWallpapers (338)Favorites (921)Journal (110)DiscussionContact Member
Journal for amypinkglassJournal for amypinkglass
Mar
9
Happy
Giliw Ko,

Minsan, alam mo ba...na mahirap magmahal sayo??

Minsan hirap na hirap na ako...

Oo alam ko, na misan nasabi mo nang lantaran na mahal mo ako...

hindi ko makakalimutan yan...Araw pa nga ng mga Puso kung baga...

Naalala ko pa noong una kitang napansin...hindi pa ako miyembro dito noon...at noon nga, parang antipatiko pa nga ang dating mo sa akin noong mga panahon na iyon

Nasabi ko pa nga sa sarili ko na..."Parang ayaw ko *ata makipagkaibigan dito sa kumag na *to"

Yun pala...kinalaunan...nabaitan ako sayo, dahil panay ang pagpuna mo sa ganda ng mga larawang inilalagay ko dito bilang miyembro...

at kinalaunan pa pagkatapos noon...

nalaman kong ikaw pala*y isang mabait na tao, mabait na lalaki

Sana hindi ka nalang naging seloso, kasi, alam mo ba, kapag nahihirapan ka, na nahihirapah rin ako?

Parang kahit kelan, hindi ka naging sigurado sa pagmamahal ko sayo

Pala-kaibigan nga ako...pero umiiwas na nga ako kapag nahahalata ko na nililigawan na ata ako ng ilang mga lalaki sa lugar na ito...hindi mo alam yan...kung gaano kita talaga kamahal

Mahal kita, alam mo ba? Hindi pa ako nagmahal sa lalaking kasing seksi mo, o kasing kisig mo

Mas seksi ka pa doon sa lalaking naging kasintahan ko (totoo yan ha), at doon sa lalaking nagtatrabaho sa radyo na nagustuhan ko rin, at inayawan ko na rin bago kita nakilala

...silang dalawa, walang-wala sayo!

Sana alam mo lahat ng naiisip ko patungkol sayo...at ikaw lang ang mahal ko! Wala nang iba!

Balang araw, wala ka na...doon palang ako mag-iisip kung panahon ko na ring lumigaya...kapag wala ka na, kapag ikinasal ka na...

Ayaw kong manakit ng kapwa ko babae, lalo na iyong maamo ang hitsura, na alam kong mahal na mahal ka pa

Siguro kung nakilala kita nang wala siya sa buhay mo baka naging tayo na nga panghabang-buhay

Pero nandiyan siya at mahal ka raw niya, sabi niya

Bahala na kung anong mangyari, di ba?

Ngapala, salamat noong hindi mo ni-like yung litrato na isa, bilang pagpapakita na ako talaga ang mahal mo at hindi siya...pero totoo ba iyon?

Ayun, ilang oras lang, nagselos ka na naman, ni-like mo na rin yung larawan na ayaw mong i-like noong una

Pasensiya ka na...gustuhin ko mang ipakita ko ang lubos na pagmamahal ko sa iyo, may limitasyon hindi ba?

Bahala na ang tadhana...

Pero huwag ka namang magselos ng madalas

Kung pupuwede pa nga. huwag ka na talagang magselos

Ikaw lang ang mahal ko

Mabait man ako sa iba, pakikipag-kapwa-tao lamang iyon at hindi ko naman sila naiisip nang kagaya sa pag-iisip ko sayo

Isipin mo nalang na ang seksi-seksi mo, mainit ka pa sa impiyerno...papaano ka pa magseselos? At mahal na mahal kita

Sabihin mo sa kasama mo, sa kasintahan mo, pasensiya na, hindi maiwasan itong pagibig ko sayo

Mabait naman siya, sa tingin ko

Pero kinailangan kong isulat ito dahil nagdurusa ka sa selos nang wala namang kapararakan

Hoy mahal kita! Ang seksi-seksi mo pa, na minsan sumasakit na ang puson ko!

Puson ha, doon sa ibaba, pero ang puso ko naman, umaandar rin, para lang sayo.



-Dulo-


Pahabol: Baka sa susunod na pagsulat ko sayo nang ganito, hudyat na ng ating pagtatanan!! Biro lang...:)

Ang sasabihin ko talaga dito sa pahabol: Magdidiyeta na ako (malapit na) at mag-eehersisyo (gusto kong gawing perpekto ang katawan ko...masaya ito!) dahil masyado akong nagkaroon ng inspirasyon (ikaw)...Tinutunaw mo ang puso ko at wala akong magawa patungkol sa bagay na iyon


Times Viewed: 128Bookmark and Share
0 responses have been posted to this journal entry. Post Your Response!
Advertisement
Previous Journal Entry
Next Journal Entry

Recently Spotted Members


No members found. Be the first.